^

Bansa

Neri babantayan ng SSS employees

-

Walang magagawa ang mga empleyado ng Social Security System (SSS) kundi ang tanggapin si Romulo Neri bilang susunod na Presidente at chief executive officer (CEO) ng naturang ahensiya. 

Ani SSS employees union president, Dra. Carol Basilio, “mahigpit” nilang babantayan ang mga galaw ni Neri upang matiyak na hindi rin magagastos sa ibang bagay ang pondo nito tulad ng nangyari sa GSIS.

Hindi aniya dapat pakialaman ng pamahalaan ang pondo ng SSS dahil isa itong trust fund kung saan kukunin ang pensiyon ng mga miyembro kapag nagretiro na sila sa pagtatrabaho.

Nilinaw naman ni Basilio na hindi nila binabalaan ni Neri pero sinabi nito bilang miyembro ng SSS ay mayroon silang karapatan na malaman kung sino ang magdedesisyon sa kanilang pension fund.

“Bear in mind that we’ll be on guard since this is not the government’s money or the SSS’s money,” dagdag ni Basilio. 

Kahapon ay tuluyan nang nagpaalam si dela Paz sa kanyang mga empleyado kahit sa Agosto 1 pa pormal na uupo si Neri. (Angie dela Cruz/EdwinBalasa)

vuukle comment

AGOSTO

ANGIE

BASILIO

CAROL BASILIO

CRUZ

NERI

ROMULO NERI

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with