Pinayagan kahapon ng Manila Regional Trial Court ang hostage-taker na inhinyerong si Armando Ducat na pansamantalang makalabas ng kulungan para madalaw niya ang mga mag-aaral sa pinatayo niyang Kaluskos Musmos Day Care Center sa Parola compound, Tondo, Manila.
Naging masaya ang pagtatagpo nang payagan din si Ducat ng security escorts na tanggalin ang posas sa kaniyang pakikipagkumustahan sa mga batang mag-aaral.
Nakulong at kinasuhan si Ducat dahil sa pagbihag niya sa 26 na mag-aaral ng naturang Day Care noong nakaraang taon. (Ludy Bermudo)