^

Bansa

Pagpili sa 2 Comelec commissioners ‘wag nang kuwestiyunin - M’cañang

-

Ipinagtanggol ng Ma­lacañang ang pagtata­laga ni Pangulong Arroyo sa dalawang commissioners ng Commission on Elections (Comelec). 

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mita, hindi maaaring kwes­tyunin ang appointment power ni Pangulong Arroyo sa pagtatalaga kina dating Court of Appeals Justice Lucenito Tagle at Malabon RTC Judge Leonardo Leonida. 

Wika ni Sec. Ermita, umabot sa 70 ang nomi­nado sa search committee para sa mga bakan­teng posisyon sa Co­melec at umabot naman sa 7 ang nasa short list nito. 

Aniya, may sariling criteria na sinusunod ang Pangulo sa pagpili niya ng kanyang itatalaga sa anumang posisyon at hindi puwedeng kwes­tyunin ito ninuman. 

Nilinaw pa ni Ermita, mayroong clearance si Tagle mula sa Supreme Court na nagpapatunay na wala itong pending na kaso sa Kataas-Taasang Hukuman. 

Ipinaliwanag pa ng executive secretary na hindi ang pagiging kilala o popular ang batayan kundi ang kakayahan at inte­gridad ng isang indi­bid­wal.

Sa mga susunod na araw ay ihahayag na rin ni PGMA ang ikatlong magi­ging commissioner sa Comelec upang ma­punan na ang nag-iisang bakante nito. (Rudy Andal)

COMELEC

COURT OF APPEALS JUSTICE LUCENITO TAGLE

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

JUDGE LEONARDO LEONIDA

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with