^

Bansa

Barias umaksyon vs food security

-

Pinalakas pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kampanya laban sa mga hijackers at extortionist upang bigyang protek­syon ang seguridad ng pagkain na ibinibiyahe sa Metro Manila.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Geary Barias na inatasan na niya ang limang District Directors at mga hepe ng pulisya para tiyakin na walang magiging sagabal sa pagbiyahe ng mga pagkain at hindi rin ma­bibiktima ang mga biya­hero ng mga hijackers at ng mga extortionist.

Kahapon ay nakipag­pulong si Barias sa mga lider ng Alliance of Concerned Truck Owners and Organization (ACTDO) kabilang na ang kina­tawan ng mga biyahero ng gulay, meat at fish dealers, truckers at food haulers para palakasin pa ang kanilang koope­rasyon upang ma­ big­yang solusyon ang problema.

Inihayag ni Barias na naglunsad ng paniba­gong hotlines ang NCRPO para sa mga food suppliers na maaring ipahatid ang kanilang mga reklamo laban sa mga nango­ngotong na mga tiwaling pulis sa mga biyahero.

Ang bagong NCRPO hotlines ay may nume­rong 0929-294-2222 at 0929-24-3333 kung saan sinu­mang pulis na masasang­kot sa pango­ngotong sa mga biyahero ay kanilang papatawan ng kaparusa­han.   (Joy Cantos)

ALLIANCE OF CONCERNED TRUCK OWNERS AND ORGANIZATION

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

DISTRICT DIRECTORS

INIHAYAG

JOY CANTOS

KAHAPON

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with