Pumang-apat na mula sa pampito sa Honor Roll of Champions Against Corruption ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang Bureau of Immigration (BI) sa survey na inilabas kamakailan.
Isinakatuparan ng PAGC ang naturang survey sa may 80 ahensiya ng pamahalaan sa layunin nitong mabawasan kung hindi man tuluyang maalis, ang mga kaso ng graft.
“Way back in 1996, the Bureau of Immigration wallows in the rankings, 76th to be exact and modesty, aside, we are greatly honoured as we vaulted fourth from seventh in list,” wika ni lawyer-Commissioner Marcelino “Nonoy” Libanan. “With the help of our employees, the BI intends to grab the top spot soon.”
Gamit ang Performance Management System-Office Performance Evaluation System (PMS-OPES) ng Civil Service Commission, ang BI ay hinirang din bilang “Top of the Class” sa hanay ng mga ahensiyang pang-gobyerno.
Kabilang sa mga programang pagsasaayos ng BI ang mapalaganap ang turismo, komersiyo sa pamamagitan ng bagong investors sa bansa sa ilalim ng Pre-arranged Visa Upon Arrival (PVUAP), ang Visa Issuance Made Simple (VIMS), ang No Touch, No Contact Policy at ang Tattoo is an Art policies.
Naisaayos din ng BI ang detention facility nito sa Bicutan, Taguig City at maging ang pagpapaptupad ng maige ng “Rules of Engagement” para sa mga ahente nito o law enforcers.
Na-upgrade na rin diumano ang passport reading machines sa Ninoy Aquino International Airport, paggawa ng BI-National Operations Center at iba pa. (Butch Quejada)