^

Bansa

50 bangkay lumutang

-

May 50 pang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng paglubog ng M/V Princess of the Stars ang natagpuang lumulutang sa bahagi ng Burias Island.

Ayon kay Navy Spokesman Lt. Col. Edgard Arevalo, ang mga bangkay ay natagpuan may  10 nautical miles ang layo mula sa karagatan ng Burias Island sa Masbate.

Sinabi ni Arevalo na prayoridad ng mga search and retrieval team ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na marekober ang nasabing mga bangkay dahilan kung magtatagal pa ito ay mahihirapan nang makilala ang mga biktima.

Sa kasalukuyan, dahil pansamantalang ipinatigil ng pamahalaan ang search and retrieval operations ng mga divers sa Romblon, nakatuon muna ang kanilang konsentrasyon sa iba pang lugar na kinapadparan ng mga biktima ng trahedya.

Umaabot na sa 173 bangkay ng mga pasahero ng MV Princess ang narerekober, ayon sa report ng National Disaster Coordinating Council kahapon.

Sinabi ni NDCC Executive Director Glenn Ra­bonza na naitala naman sa 56 ang survivor sa pag­lubog ng naturang barko sa kasagsagan ng bag­yong Frank noong Hunyo 21. (Joy Cantos)

vuukle comment

BURIAS ISLAND

EDGARD AREVALO

EXECUTIVE DIRECTOR GLENN RA

JOY CANTOS

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

NAVY SPOKESMAN LT

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with