1-taong sahod ido-donate ni Sen. Villar

Nakatakdang i-donate ni Senate President Ma­nuel Villar ang kan­yang isang taong sahod bilang senador o P330,000 bilang seed money para sa mga na­salanta ng bagyong Frank.

Nagpakalat na rin ng donation box sa mga estratehikong bahagi ng Senado upang maka­ kalap ng tulong para sa mga biktima ng bagyo.

Ang proyekto ni Villar ay kanyang tinawag na “Tulong Kapwa” na nagla­layong mangalap ng pan­tulong sa mga nabiktima ni Frank.

Nagpadala na rin ng mga tent, kumot, bigas, mga de-latang pagkain, noodles at de-boteng tubig ang tanggapan ni Villar sa mga lugar na tinamaan ng bagyo. Nagpalabas din ng isang memorandum sa lahat ng mga opisina sa Senado upang hikayatin ang mga kawani at mga opisyal dito na suportahan ang Tulong Kapwa.

Binuksan din ni Villar ang OFW Helpline 0917-4226800 para sa mga donasyon sa Tulong Kap­wa. (Malou Escudero)

Show comments