^

Bansa

Coast Guard chief nasigawan ni GMA

-

Pinagalitan kahapon ni Pangulong Arroyo si Philippine Coast Guard chief Wilfredo Tamayo dahil sa pagpayag nitong maglayag ang M/V Princess of the Star na naging dahilan ng paglubog nito dahil sa bagyong Frank.

Napasigaw si Pangu­ long Arroyo sa speakerphone mula sa San Francisco, USA para sa 10-araw na working visit sa US, nang makausap nito si Tamayo sa ginanap na meeting ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Camp Agui­naldo.

Ilang beses tinanong ng Pangulo si Tamayo kung kailan inilabas ang kautu­san para sa “no vessel warning” o pagba­bawal sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat na maglayag dahil sa panga­nib ng bagyo ngunit nag­paligoy-ligoy ito ng pag­sagot.

Ipinaliwanag naman ng PCG chief na umalis ang barko sa Maynila noong Biyernes ng gabi kung saan ang warning ay para la­mang sa mga maliliit na vessels na bawal maglayag.

Nang maunawaan ni PGMA ang dahilan ay agad na kumambiyo ito at sinabi kay Tamayo na dapat ay magkaroon ng pagbabago sa warning system ng PCG na inayunan naman ng PCG chief.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, dapat malaman kung nag­ karoon ng pagkukulang sa panig ng PCG o kung kaila­ngang baguhin ang ipina­pa­tupad na sistema sa pagtukoy sa uri ng barko na puwedeng maglayag ka­pag may bagyo. (Rudy Andal/Danilo Garcia)

CAMP AGUI

DANILO GARCIA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE COAST GUARD

RUDY ANDAL

SAN FRANCISCO

SHY

TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with