Nakapatay sa pulis na nagsilbi ng warrant kulong habambuhay, bayad pa ng P2.5M

Pinagtibay ng Korte Suprema ang conviction ng isang lalaking naka­patay sa isang opisyal ng Bauang,La Union Police na nagsilbi lamang ng arrest warrant noong 1999, bagamat ibinaba mula sa parusang kamatayan sa  habambuhay na pagkabi­langgo dahil sa kawalan ng pinaiiral na death penalty.

Sa 22-pahinang de­sis­yon na isinulat ni Associate Justice Arturo Brion, inatasan din nito ang aku­sadong si Zaldy Garcia na bayaran ag P2.5-milyon  ang pamilya ni Chief Inspector Tito Opina para sa mga nawalang kinita nito at P75,000 death indemnity.

Sa record ng korte, dakong alas-8 ng umaga noong Setyembre 8, 1999 nang magsilbi ng warrant of arrest si Opina kay Gar­cia sa hindi nabanggit na kaso, kasama ang iba pang pulis na sina SPO3 Edwin  Be­navidez  at isang PO1 Ca­sem, sa Ba­rangay Pugo, Bauang, La Union.

Nang pinasusuko ang akusado na nagtangkang tumakas ay pinaputukan nito ang biktima na ti­namaan sa tiyan at nag­resulta sa agarang kama­tayan.

Dahil sa dalawa pang­pulis na back-up ng bik­tima ay walang nagawa si Garcia kundi sumuko.

Sa depensa sa korte, sinabi ng akusado na ak­sidente lamang na pumu­tok ang hawak niyang baril na hindi naman bi­nigyan ng timbang ng mababang korte. (Ludy Bermudo)

Show comments