akaraang umulan ng yelo sa Quezon City kama kalawa, binalaan naman ng pamunuan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko laluna ang mga kabataang mag-aaral na mag-ingat kapag may pagkidlat laluna kapag nasa labas ng taha nan dahil may posibilidad na sundan ito ng tornado.
“Mapanganib ang pag kidlat laluna kung may halong malakas na hangin dahil maaaring may dala itong tornado,” pahayag ni Nathaniel Cruz, Weather branch head ng PAGASA.
Inihalimbawa ni Cruz na tulad ng naganap na pag-ulan ng yelo sa may UP Diliman sa QC, ito anya ay nangyari din makaraan ang sunud-sunod na pagkidlat noong Lunes ng hapon.
Sinabi pa nito nasa mga susunod na linggo ay inaasahang madadalas ang pagkidlat partikular sa hapon at gabi. (Angie dela Cruz)