^

Bansa

Pagasa nagbabala sa kidlat

-

akaraang umulan ng yelo sa Quezon City kama­ kalawa, binalaan naman ng pamunuan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko laluna ang mga kabataang mag-aaral na mag-ingat kapag may pag­kidlat laluna kapag nasa labas ng taha­ nan dahil may posibili­dad na sundan ito ng tornado.

“Mapanganib ang pag­ kidlat laluna kung may halong malakas na hangin dahil maaaring may dala itong tornado,” pahayag ni Nathaniel Cruz, Weather branch head ng PAGASA.

Inihalimbawa ni Cruz na tulad ng naganap na pag-ulan ng yelo sa may UP Diliman sa QC, ito anya ay nangyari din makaraan ang sunud-sunod na pagkidlat noong Lunes ng hapon.

Sinabi pa nito nasa mga susunod na linggo ay ina­asahang madadalas ang pagkidlat partikular sa hapon at gabi. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

DILIMAN

INIHALIMBAWA

MAPANGANIB

NATHANIEL CRUZ

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

QUEZON CITY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with