^

Bansa

Ces nagpabili ng tissue

-

Matapos maputol ang komunikasyon, muling ku­ montak sa mga negosyador ang bihag na si ABS-CBN reporter Ces Drilon para hilinging palayain na sila ng kaniyang crew at tuloy magpabili ng tissue paper.

Nakiusap din si Drilon sa mga kidnappers na pa­ya­gan ang isa pang hostage na si Mindanao State University Prof. Octavio Dinampo, 56, na makausap ang kaniyang pamilya.

Nabatid na nagpadala na ang pamiya ni Dinampo ng mga gamot para sa sakit nitong arthritis at hypertension.

Maliban kina Ces at Dinampo kasama pa sa natitirang bihag ang cameraman ng ABS-CBN na si Jimmy Encarnacion. 

Sa impormasyon, balak umano ng mga kidnaper na paisa-isa ang pagpapalaya sa mga bihag bilang paghahanda sa napaulat na operasyon ng militar, bagay na itinanggi ni AFP Chief of Staff Gen. Alexander Yano.

Pawang mga batang miyembro umano ng Abu Sayyaf ang gumuguwardiya sa mga hostage. 

Sinasabing hindi tumitigil si Indanan Mayor Isnaji Alvarez sa pakikipag-ugnayan kina Abu Sayyaf leader Albader Parad at Umbra Jumdail alyas Doctor Abu. Si Alvarez ang napiling emisaryo ng mga Abu Sayyaf.

Sinasabing humihingi ng tig-P10 milyon ang mga kidnaper kapalit ng kalayaan ng bawat hostage su­bali’t umaabot na umano ito sa P50M dahil mara­ming nakikisawsaw na ibig makibahagi sa ransom. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ALBADER PARAD

ALEXANDER YANO

CHIEF OF STAFF GEN

DINAMPO

DOCTOR ABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with