System loss, generation charge tinapyasan ng Meralco

Matatamasa ng publi­ ko ang mababang singil  sa kuryente simula nga­yong buwan ng Hunyo ma­tapos na ianunsyo ng Manila Electric Company (MERAL­CO) na magba­bawas sila sa kanilang system loss at generation charge.

Ayon kay Elpi Cuna Jr., vice president for corpo­rate communication ng Meralco, tatapyaan ng 6.38 centavos kada kilo­watthour (kWH) ang sys­tem loss charge at 42.34 centavos kada kWh ang generation charge o kabu­uang 48.72 centavos kada kWh ang ibababa sa singil sa kuryente ng mga con­sumers na makikita sa June billing. 

Binanggit ni Cuna na ang pagbabawas nila sa gene­ration at system loss charge ay bunga ng pag­ baba sa halaga ng bini- ling kuryente sa Whole­sale Electricity Spot Mar­ket (WESM) no­ong buwan ng Mayo na umabot sa P4.4520 kada kWh, sina­sabing siyang pin­aka­mababa simula nang mag­bukas ang WESM noong Hulyo 2006. 

Ipinabatid pa nito na aabot sa P13.23 ang ma­ ba­bawas sa mga cus­to­mer na kumu­kunsumo ng 50 kWhs habang P42.92 sa kumu­kunsumo ng 100 kWhs at P114.41 sa 200 kWhs. (Edwin Balasa)

Show comments