Kumander  ‘Putol’ susuko na

Nais na umanong su­mu­ko kay Justice Secretary Raul Gozalez ng isa sa kumander ng Abu Say­yaf Group na si Radulan Sahi­ron o Kumander Pu­tol.

Ayon kay Gonzalez, tat­long linggo na ang nakaka­raan mula ng dal­hin ng isang mensahero sa kan­yang tanggapan ang surrender feeler ni Sahiron.

Si Sahiron ang uma­no’y kakapanayamin ng broadcaster na si Ces Drilon bago ito mawala at dukutin sa Sulu.

Subalit hanggang sa kasalukuyan umano ay hindi pa nasisimulan ang pakikipagnegosasyon sa mga ito dahil pinapa-authenticate pa niya ang sulat sa isang kongresista sa Sulu na hanggang sa kasa­lukuyan ay hindi pa umano nagbibigay sa kalihim ng feedback.

Idinagdag pa ng Kali­him na naglatag pa ng kon­disyon si Sahiron at sina­bing sa sandaling sumuko siya ay dapat na bayaran ng gobyerno ang mga armas na isusuko niya at mabig­ yan siya ng immunity sa anumang kasong criminal.

Sa sandali naman uma­nong magtungo si Sahiron sa kanyang tanggapan ay nakahanda siyang bigyan ng Kalihim ng safe conduct pass. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments