Tiyak na mapipilitan na ang mga taxi drivers na magbigay ng resibo sa kanilang mga pasahero.
Ito ay matapos na ibasura ng Korte Suprema ang petition ng mga taxi driver na humihiling na pigilan ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board na ipatupad ang isang ka utusang nag-oobliga sa mga taxi na magpalabas ng resibo para sa pamasahe na ibinayad ng pasahero rito.
Kinatigan ng Mataas na Hukuman sa pamamagitan ng isang resolusyon noong Hunyo 4 ang kautusan ng LTFRB na nagpapatupad ng standards and regulations para sa mga taxi at mega taxi units kabilang na dito ang pag i-isyu ng taxi meter receipts na isang legal na paraan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero.
Iginiit din ng CA na ang volume ng taxi at mega taxi ay naka concentrate din lamang sa Metro Manila.
Ang pag-iisyu naman ng resibo ay inayunan din ng Bureau of Internal Revenue noong nakaraang taon upang makaipon ng P1.2 billion na ka ragdagang kita ng gobyerno. (Gemma Amargo-Garcia)