Baguio City - Posibleng magpatawag ng special session ng Kongreso si Pa ngulong Arroyo para maaprubahan ang extension ng Comprehensive Agra-rian Reform Program (CARP) na sinertipikahan niyang urgent bill.
Sinabi ni Executive Sec. Eduardo Ermita, walong araw na lamang ang natitirang session days at mag-aadjourn na ang Kongreso kaya imposibleng maipasa agad ito ng Kongreso.
Sinertipikahan ni Pangulong Arroyo na urgent bill ang CARP extension para sa susunod na lima pang taon. (Rudy Andal)