Cheaper Medicines bill, lalagdaan ngayon ni GMA

Nakatakdang lagda-an ngayon ni Pangulong Gloria Arroyo ang panu­kalang batas na pina­ni­niwalaang magpapababa sa presyo ng gamot sa bansa.

Sinabi ni Sen. Mar Roxas na maraming mam­babatas ang natutuwa dahil hindi nasayang ang kanilang pagod para ma­ipasa ang panukala sa gitna nang matinding pag-la-lobby ng mga kompan­ya ng gamot na tutol sa pa­nukala. 

Ayon pa kay Roxas, maging ang iba’t ibang grupo ng mga mangga­gawa ay makikinabang  sa nasabing batas dahil maaari na mismong sila ang mag-angkat ng murang gamot sa pamamagitan ng “parallel importation”.

Naniniwala si Roxas na malaki ang gagampa­ nang papel ng mga labor leaders dahil sa pama­magitan nila ay makaka­bili na ng mga murang ga­mot ang kanilang mga miyembro. 

Inabot ng halos 10 taon bago tuluyang maging isang ganap na batas ang Cheaper Medicines Bill.

Kabilang sa maaari nang mag-import ng ga­mot ay ang TUCP o Trade Union Congress of the Philip­pines, Alliance of Su­gar Workers; Alliance of Independent Union of Hotel and Res­tau­rant Workers, at iba pang mga organisasyon.

Kailangan lamang uma­ nong magparehistro sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang mga or­ganisasyon na nais mag-import ng murang gamot. (Malou Escudero)

Show comments