E-power gagamitin ni GMA

Handa si Pangulong Arroyo na gumamit ng emer­ gency powers para malutas ang kinakaharap na krisis sa pagkain, la­ngis at enerhiya ng bansa. 

Ito ang nakapaloob sa Executive Order 728 na nilagdaan ng Pangulo kaugnay sa pagbuo ng Food and Energy Council. 

Sa ilalim ng section 6 ng EO 728, inaatasan ang Council na pag-aralan ang sitwasyon at magre­komenda sa Kongreso at sa Pangulo kung kaila­ngan nito ng emergency powers kapag umabot sa worst-case scenario ang suliranin ng bansa.   

Ang binuong high-level council ay pamumu­nuan mismo ni Mrs. Arro­yo kasama sina NEDA chief Augusto Santos, Agri­culture Sec. Arthur Yap, NAPC head Domi­ngo Pa­ nganiban at Ener­gy Sec. Angelo Reyes at iba pang opisyal ng Ga­binete at mga pinuno ng mga komite sa Kamara at Senado. 

Sa Lunes, magpupu­ long ang Council kasama ang mga kinatawan mula sa ‘academe’ para tala­kayin at pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa partikular ang problema sa pagkain, langis at enerhiya. 

Bahagi ng magiging trabaho ng council ay i-mo­nitor ang food at energy supply at magbigay ng re­komendasyon upang ma­lutas ang krisis.

Show comments