Dahil sa pambihirang katalinuhan, magiging isa sa pinakabatang scholars si Laika Maninang, sa edad na 10-anyos matapos pumasa sa high school scholarship exams ng University of Sto. Tomas.
Si Laika, residente ng #2 Angeles St., Bgy. Krus na Ligas, Quezon City ay kabilang sa 107 na pumasa mula sa 1,700 bata na kumuha ng pagsusulit para sa scholarship.
Si First Gentleman Mike Arroyo ang tumulong sa bata na makapag-aral sa elementarya at nagbayad sa matrikula nito nang matanggap sa Headway School for Giftedness sa 130 Matahimik St., UP Village, QC noong taong 2000 sa edad na 2-anyos.
Magmula noon, naging iskolar na taun-taon si Laika dahil sa kanyang katalinuhan.
Ayon sa ina ni Laika na si Mely, 34, hindi maka-pag-aaral ang bata kundi dahil sa tulong ng Unang Ginoo.
Ang ama ni Laika na si Luisito, 38, ay isang senior police officer ng Manila Police Dept.
Nangako naman ang bata kay Ginoong Arroyo na magiging masigasig sa kanyang pag-aaral at magiging masunurin at mangangalaga sa kan-yang mga magulang. (Angie dela Cruz)