Medical, doctor bills puwede nang bayaran sa cellphone
Isang makabagong sistema ang inilunsad ng RxPinoy na naglalayong maging madali sa publiko ang pagbabayad ng kanilang mga medical bills at doctor fees sa pamamagitan ng cellphones.
Sa paglulunsad na ginawa kahapon sa Manila Doctros Hospital, ang RxPinoy ay isang health club kung saan maaari nang bayaran ng mga Filipino sa ibang bansa ang pagpapagamot ng kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas gamit ang cellular phone.
Ang RxPinoy WiSH o Wireless Solutions for Health ay isang re-loadable pre-paid card technology kung saan ito ang siyang magsisilbing bayad ng bawat miyembro sa mga doctor at hospital na titingin sa kanilang mga sakit.
Maaari namang makapag-avail ng 5% discount ang bawat miyembro at makakuha ng rebates sa bawat paggamit ng Blue Card Edition. Ang mga Gold Card Edi tion ay laan naman sa mga doctor kung saan papasok ang bayad sa kanila ng mga pasyente. (Doris Franche)
- Latest
- Trending






















