^

Bansa

Oil companies, LPGMA sinabon ng DOE

-

Dahil sa pagpapanik ng taumbayan matapos ma­paulat na aabot sa halagang P65.00 kada-litro ang presyo ng pro­duktong petrolyo, siner­munan at pinagbawalan na ni Department of Energy (DOE) Secretary Angelo Reyes ang mga oil companies na ihayag sa publiko ang kanilang mga under recoveries o mga dapat pang i-adjust sa presyo ng kanilang pro­dukto upang hindi na maglikha pa ng pagka­alarma sa publiko.

Ang hakbang ni Reyes ay kasunod na rin ng naging pahayag ng mga oil companies na aabutin ng P65 kada-litro ang presyo ng langis sa lokal na pamilihan kasunod ng paglobo ng presyo nito sa world market at nasa P11 pa ang dapat na ipataw sa presyo ng kanilang pro­dukto.

Sa meeting sa pagitan ni Reyes at ng mga kina­tawan ng oil companies sa tanggapan nito sa Ta­guig City, sinabi ng kali­him na hindi maganda na ihayag agad sa publiko ang hindi pa nai-aadjust sa presyo dahil takot at pangamba lamang ang idudulot nito. Ang dapat lamang umano na sabihin ay kung mag­kano ang adjustment na kanila nang ipatutupad na may per­miso ng ahensya. Tanging mga adjustment na may go signal na umano sa DOE ang dapat na ihayag sa publiko ha­bang ang mga ispeku­lasyon sa dagdag na presyo pa ay bawal nang ihayag.

Kaugnay nito, hindi rin nakaligtas kay Reyes si Liquified Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) president Arnel Ty na harapan nitong siner­munan dahil sa sa mali-ma­­ling impormasyon na inila­had umano nito sa publiko.

Tinukoy ni Reyes ang pahayag ni Ty sa telebis­yon kamakailan na  P3.50 kada-kilogram ang itataas sa presyo ng kanilang LPG, habang  P3 lamang umano ang ibinigay ng DOE.

Binantaan pa ng kali­him ang LPGMA na kung hindi ito magiging respon­sable sa bawat impormas­yon na kanilang binibita­wan sa publiko ay ipasa­sara nito ang kanilang operasyon.

Hindi naman nakasa­got si Ty sa paninita ni Reyes at matapos ang meeting ay lulugo-lugo itong lumabas dahil uma­no sa lubusan itong napa­hiya sa gina­wang harapan at hayagang pag­ sita ng kalihim sa kanya. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARNEL TY

DEPARTMENT OF ENERGY

LIQUIFIED PETROLEUM GAS MARKETERS ASSOCIATION

PRESYO

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with