Makakatanggap na umano ngayon ng kanilang “mid-year bonus” ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang umagapay sa pangangailangan ng kanilang mga anak sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.
Ipinagmalaki ni PNP Chief, Director General Avelino Razon ang pagpapalabas nila ng P1.1 bilyong halaga ng salapi na paghahatian ng 125,000 uniformed at non-uniformed personnel ng PNP.
Sa kabila nito, sinabi ni Razon na ang mid-year bonus ay kalahati ng mandatory na 13th month bonus na matatanggap ng lahat ng empleyado ng gobyerno kung saan ang kalahati ay ibibigay naman sa Disyembre.
Hindi naman makakatanggap ng bonus ang lahat ng pulis na suspendido at ang mga nahaharap sa mga nakapending na kasong administratibo at criminal. (Danilo Garcia)