P5.2M ipinamudmod ng PDEA sa mga informants
Dahil sa mga impormasyon na nagresulta sa pagkakalansag ng ilang drug laboratory at pakakakumpiska ng iligal na droga, umaabot sa P5.2 milyon ang ipinamudmod kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 12 impormante.
Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Dionisio Santiago Jr. na bahagi ng programang “Private Eye” ang paglalaan ng naturang mga reward money sa kanilang mga impormante. Bahagi rin ito ng P400 milyon na inilaan ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) sa PDEA.
Umaabot sa P1.5 milyon ang natanggap ng impormanteng si “Mahadil” dahil sa impormasyong naging dahilan sa pagkakabuwag ng isang malaking shabu laboratory sa Zamboanga City; P1 milyon kay “Kung Fu” dahil sa shabu lab sa Angeles City; P1 milyon kay “Bong” dahil sa shabu lab sa Quezon City at P948,000 para kay alyas “Lipa City” dahil sa pagkakatuklas sa isang bodega ng iligal na droga sa Lipa City, Batangas.
Bukod sa mga shabu laboratory, nakumpiska rin ng PDEA ang 23,730 bawal na tabletas; 650 tableta ng ecstacy; 777 kilo ng marijuana; 227.9 kilo ng shabu at 2,879 litro ng acetone dahil sa impormasyon na ibinigay ng mga awardees.
Sinabi ni
Ipinagmalaki rin ni Santiago na aprubado na ng Kongreso ang isiningit na pondo sa General Appropriations Act na P9 milyon kada taon para sa PDEA para sa pagbibigay ng reward sa mga impormante upang magtuloy-tuloy ang programang “Private Eye”. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending