Dahilan sa maraming insidente ng “welfare cases”, inirekomenda kahapon ng pamahalaan na isailalim sa mandatory “psycholological test” ang mga Pinay domestic helpers na nagtutungo sa United Arab Emirates (UAE).
Sinabi ni Philippine Consul General to Dubai, Benito Valeriano malaki ang maitutulong ng naturang psychological test sa mga Pinay DH.
Sa tala, umaabot sa 50 welfare cases ang kinasangkutan ng mga Pinay DH sa UAE sa loob lamang ng nakalipas na limang taon.
Ayon sa opisyal, ang matinding kalungkutan ang nagbubunsod sa isang tao partikular na ang mga Pinay DH na gumawa ng marahas na hakbang.
Sa pamamagitan ng psychological test ay maihahanda ang isang OFW na harapin ang naturang sitwasyon bago magtungo sa ibayong dagat. (Joy Cantos)