Faeldon ililigpit?

Nangangamba ang legal counsel ni Magdalo leader Marine Captain Nicanor Faeldon na iligpit ang kaniyang kliyente matapos itong lumabas sa “You tube” at buong ta­pang na sinabing mama­tamisin na lamang niya ang mamatay kaysa su­muko at humingi ng “pardon” kay Pangulong Glo­ria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Atty. Trixie Angeles,  hindi malayong tuluyan nang patahimikin ang kaniyang kliyente da­hilan marami ang nagta­tangka sa buhay ni Fael­don na may patong sa ulong P1 mil­yon.

Inihayag nito na tala­gang pagtatangkaan ang buhay ng kaniyang kli­yente dahil isa itong tinik sa landas ng gob­yerno na patuloy nitong binibira kaugnay ng ipi­naglalaban nitong prin­sipyo.

Sa nasabing You tube ay nanindigan si Faeldon na taliwas sa naging hak­bang ng siyam na kasa­mahan niyang Magdalo ay hindi niya tatanggapin ang anumang deal na iaalok ng gobyerno dahil hindi siya naniniwala sa kasaluku­yang liderato nito.

Aniya, handa siyang magbuwis ng buhay kung ito ang gigising sa taum­bayan sa mga katiwalian umanong kinasasang­kutan ng gobyerno parti­kular na ang garapalan umanong korapsyon.  (Joy Cantos)

Show comments