3 Pinoy seamen todas sa gas poisoning

Tatlong Pinoy seamen ang iniulat na nasawi ha­bang 10 pa ang nasuga­tan makaraang aksiden­teng mag-leak ang carbon dioxide sa sinasakyan ng mga itong Panamian ship ha­ bang naglalayag sa Cho­mingi Dadong Shipping yard sa Shanghai, China nitong May 22. 

Kinilala ang mga bik­tima na sina Heracleof Casas, 44; Ferdinand Ar­mendares, 40 at Rex Villa­ruz, 37 na pawang tripu­lante ng MV Hakone ng Panama.

Isinugod naman ang 10 pa sa Chongming Hospital na hindi pa pinanga­lanan.

Sa inisyal na report, kasalukuyan umanong ina­ayos ng naturang mga Pinoy seamen ang carbon dioxide system ng nasa­bing barko nang tumagas ito.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Claro Cristo­bal ay patuloy pa nilang bine­beripika ang report ng Shanghai Work Safety sa nangyaring trahedya. (Joy Cantos)

Show comments