Ipinag-utos kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pi naigting na paglilinis sa mga kanal at drainage system ng lungsod para makaiwas sa pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Ito’y sa kabila ng naunang ulat ng Environmental Sanitation Services na 85 porsyentong pagbaba sa insidente ng pagbaha bunga ng patuloy na pagmo-monitor ng pamahalaang lung sod sa mga daluyan ng tubig at patuloy na koordinasyon sa Manila Metropolitan Development Authority.
Ayon kay Echiverri, mas mabisang malilinis ang mga kanal at sewerage sa lungsod bago pa dumating ang tag-ulan, at malaki ang naitulong ng maagang information campaign sa mga residente hinggil sa was tong pagtapon ng basura.
Kaugnay nito, sinabi ni ESS officer-in-charge Alfonso Sta. Maria na dahil sa mahigpit nilang pagpapatupad sa mga sanitation laws at ordinansa, nakahuli ang kanilang opisina ng 351 na paglabag; nakapag-reprimand ng 151; at nakapag-sampa ng 31 kaukulang kaso.