^

Bansa

Caloocan naghanda sa tag-ulan

-

Ipinag-utos kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pi­ naigting na paglilinis sa mga kanal at drainage system ng lungsod para makaiwas sa pagbaha sa panahon ng tag-ulan. 

Ito’y sa kabila ng na­unang ulat ng Environmental Sanitation Services na 85 porsyentong pagbaba sa insidente ng pagbaha bunga ng patuloy na pag­mo-monitor ng pamaha­laang lung­ sod sa mga da­luyan ng tubig at patuloy na koordinasyon sa Manila Metropolitan Development Authority.

Ayon kay Echiverri, mas mabisang malilinis ang mga kanal at sewerage sa lungsod bago pa dumating ang tag-ulan, at malaki ang naitulong ng maagang information campaign sa mga residente hinggil sa was­ tong pagtapon ng basura. 

Kaugnay nito, sinabi ni ESS officer-in-charge Alfon­so Sta. Maria na dahil sa mahigpit nilang pagpapatu­pad sa mga sanitation laws at ordinansa, nakahuli ang kanilang opisina ng 351 na paglabag; nakapag-reprimand ng 151; at nakapag-sampa ng 31 kaukulang kaso.

ALFON

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

ENVIRONMENTAL SANITATION SERVICES

IPINAG

KAUGNAY

MANILA METROPOLITAN DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with