Anak ng media men merong scholarship

May 100 anak ng mga  mediamen ang pagkaka­looban ng college scholarships matapos pirma­han ang isang memorandum of agreement ng National Press Club at Filipino Rotarians.

Ayon kay NPC board director Alvin Feliciano, dahil sa kabutihang nag­mula sa iba’t ibang districts at clubs ng Rotary International, Philippine Zone, ay nabigyang ka­tuparan na ang pama­mahagi ng full college scholarship ng hanggang apat na taon na sigu­radong malaking tulong para sa pamilya ng mga mediamen.

Nilinaw ni Feliciano na ang scholarship na ibibi­gay ng Rotary International, Philippine Zone ay sasagot din sa matrikula at iba pang miscellaneous expenses tulad ng libro at uniporme ng mga scholars. (Ricky Tulipat)

Show comments