Wala raw Pinoy sa pagsabog sa Nigeria
Walang Pinoy na nabiktima ng malagim na fuel pipeline explosion sa Lagos City, Nigeria na kumitil ng buhay ng may 100 katao, ayon sa Department of Foreign Affairs kahapon.
Ito ang kinumpirma ni DFA Spokesman Claro Cristobal base sa impormasyong nakalap mula kay Philippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa.
Noong Mayo 15 ay isang malakas at sunud-sunod na pagsabog ang yumanig sa
Nabatid na matapos ang pagsabog ay binalot ng makapal at malangis na usok ang kapaligiran kung saan maraming tao ang nagpanic sa lugar. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending