P1-B infra sa Caloocan tapos na

Nakumpleto na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang 260 pro­yektong pang-impras­traktura na nagkakaha­lagang P1 bilyon mula nang ilahad ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang kanyang “reformation plan” sa pagdaraos ng City Development Council nitong 2006.

Sinabi ng Caloocan City Engineer’s Office (CEO) na mayroon pang 81 karagdagang proyekto ang kasalukuyan nilang tinatapos na nasa 50 hanggang 90 porsyen­tong gawa na.

Ayon kay Echiverri, ang kaunlaran ng lungsod ay mabibigyan lamang ng katuparan kapag may maayos na infrastructure development plan ang pamahalaan na tumutu­gon sa mga panganga­ilangan ng mga residente.

Show comments