15 bata nabiyayaan sa medical mission ni FG

May 15 batang mahihirap sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga karatig pook ang mga pinakabagong nabiyayaan ng hydrocephalus mission ni First Gentleman Mike Arroyo sa Philippine General Hospital.

Pinangunahan ni PGH Neurosurgery Section chief resident Dr. Raymond Gagwis ang mga doktor na nagsagawa ng operasyon sa mga bata.

Halos kalahating milyong piso mula sa mga donasyon ng pribadong sector sa First Gentleman Foundation Inc. ang nagastos sa hydrocephalus mission.

Sinabi ni Foundation president at chief of staff ni First Gentleman na si Juris Umali Soliman na bukod sa libreng operasyon, tatanggap din ng libreng pangangalaga sa PGH ang mga bata hanggang sa kanilang paggaling.

Show comments