^

Bansa

70% ng police stations, iskwater

-

Umaabot sa 70% ng ka­buuang himpilan ng pu­lisya sa buong bansa ang iskwater o walang sariling lupa na pinagti­tirikan ng kanilang mga tanggapan.

Ito ang inamin ni Sr. Supt. Cristino Campa­nilla, director ng PNP  Engineering Service.

Sinabi ni Campanilla na sa kabuuang 1,006 Municipal Police Stations sa buong bansa ay 70 % ang mga himpilan ng pulisya na walang pi­nang­hahawa­kang titulo ng lupa o ma­sakit mang sabihin ay mga iskwater.

Ayon kay Campanilla, kaagad nilang isinasa­ayos ang pagpapatitulo ng lupa sa mga himpilan ng pulisya kapag may mga nagdo-do­nasyon tulad ng mga lokal na opisyal at maging ng mga pribadong indi­bidwal.

“Basta with the deed of donations we can construct yung police station. And then ang normally arrangement ng PNP diyan with the local governments is 50 percent of the construction cost will be shouldered by the PNP and then may counterpart fund ang local governments,” ayon sa opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na sa ilalim ng General Approriations Act (GAA) ay target nilang magtayo ng 30 himpilan ng pulisya para matugu­nan ang nasabing prob­lema.

Nabatid na naglaan ang Kongreso ng P100 milyon para sa konstruk­syon ng mga himpilan ng pulisya.

Sa kabila naman ng pagiging iskuwater ng maraming mga himpilan ng pulisya, iginiit ng lide­rato ng PNP na maayos pa rin nilang natutugunan ang problema sa pagsug­po sa kriminalidad. (Joy Cantos)

CRISTINO CAMPA

ENGINEERING SERVICE

GENERAL APPRORIATIONS ACT

JOY CANTOS

MUNICIPAL POLICE STATIONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with