^

Bansa

Hepa C ‘deportable’ sa UAE

-

Simula sa Hulyo 1, 2008, ikukonsidera na ng United Arab Emirates (UAE) ang hepatitis C na isang “deportable disease” bilang karagdagan sa kasalukuyang listahan nila na kinabibilangan ng HIV, TB at hepatitis B. 

Sa advisory ng Philippine Overseas Employment Admi­nistration (POEA) sa kanilang website, lahat ng expa­triates na mapapatunayang positibo sa nasabing sakit ay inaasahang ipade-deport ng pamahalaan ng UAE. 

“The new test applies to all expatriates applying for residency and labor visas, including renewal. Anyone who tests positive for hepatitis C virus (HCV) will be deported,” nakasaad sa POEA advisory.

Ang hepatitis C na isang “chronic blood-borne infection” ay naisasalin sa iba sa pamamagitan ng dugo o anu­mang blood products at pangunahin rin itong sanhi ng cirrhosis, liver cancer at liver failure. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

HEPATITIS

HULYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMI

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with