^

Bansa

P28-B CARP funds, minadyik daw ni GMA

-

Hinahanap  ni  Se­na­dor Aquilino Pimen­tel Jr. ang P28 bilyong pondong inilaan para sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na ayon sa senador ay biglang nawala at parang mi­nadyik ng adminis­trasyon ni Pangulong Gloria Arroyo.

Sinabi ni Pimentel na  dapat linawin muna ng Palasyo kung saan napunta ang P28 bil­yong nabawi ng pama­halaan sa ill-gotten wealth ng pamilya Mar­cos na inilaan ng natu­rang program.

Kung hindi aniya  mapapatunayan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung saan napunta ang na­turang pondo, maa­aring kapanipaniwala ang alegasyon ng ilang grupong magsasaka na ginamit ang salapi sa nakaraang 2004 pre­sidential elections.

“Dapat matiyak na­tin na ginamit nang tama ang lahat ng pon­dong inilaan sa CARP. Pero, hanggang nga­yon wala pa tayong nakikitang ganito dahil kapag nanganganib ang buhay ng CARP, palagi na lamang si­lang humingi ng pondo upang buhayin ang programa,” paliwanag ni Pimentel.

Muli umanong hu­mi­hingi ang DAR ng halagang P162 bilyong pondo upang tuluyan nang makumpleto ang implementasyon ng CARP.

Pero walang mali­naw na pagkuku­nan ang pamahalaan upang pondohan ang pagpa­pa­tutuloy ng progra­ma sa kabila nang bilyon-bilyong piso ang na­ilaan ng Kon­greso sa pagpapa­tupad ng pro­grama. (Malou Escudero)

AQUILINO PIMEN

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

MALOU ESCUDERO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with