Hugas kamay si Senator Richard Gordon sa isyu ng pagkakatanggal ni Philippine Tourism Authority General Manager Robert Dean Barbers sa puwesto kung saan tinanggihan niya ang pagkakatalaga kay Tourism Secretary Joseph Ace Durano bilang officer in charge ng nasabing ahensiya.
Ayon kay Gordon, chairman ng Senate committee on Tourism, bagama’t kinondena niya ang mga kawalan ng PTA hinahangaan naman niya ang naging pamumuno ni Barbers dito.
“I remember when I was still the DOT Secretary, even though I would sometimes admonish him but I remained as a believer in his capabilities and potentials. Pinapagalitan ko yan pero mahal ko ang batang yan, marami siyang nagawa. He should be congratulated to that,” ani Gordon.
Isa sa mga tinutukoy ni Gordon ay ang bagong tayong Oceanarium na mas lalo pang nagpatingkad ng turismo ng bansa.
Binigyan diin pa ni Gordon na simple lamang kumilos si Barbers subalit nagawa umano nitong pataasin ang kalidad ng turismo sa bansa. Nabatid na sa ilalim ni Barbers malaki ang kinita ng PTA mula P25.047 milyon noong 2002 at umakyat ito ng P40.368 milyon noong 2007.
Sinabi ni Gordon na sapat na itong batayan upang panatilihin si Barbers sa PTA habang naghahanap pa ng kanyang kapalit o humanap ang Malakanyang ng isang tulad ni Barbers na hindi naman pulitiko. Hindi din pabor na maitalaga si Durano sa puwesto.