^

Bansa

7 pulis sinuspinde sa pag-inom, pag-absent

-

Pitong pulis ang pinatawan ng 45 araw na sus­pensiyon dahilan sa madalas ng mga itong pag-inom ng alak at pag-absent sa trabaho sa Iloilo City.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) 6, Chief Supt. Isagani Cuevas kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., ang pagsuspinde sa nasabing mga pulis ay alinsunod sa mahigpit na programa kontra TABA (Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw Padisiplina) na mga pulis.

Kinilala ang mga ito na sina PO1 James Pedroso, Peter Genovea, Glenn Sidayon, Warren Lazarte, PO1 Soliman, PO1 Jotes, at PO1 Corsino, pawang naka­talaga sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Martin Delgado.

Una nang nahuli si Pedroso na pumalya sa kan­yang duty para magbigay ng seguridad sa piyesta sa Bgy. Handumanan sa Bacolod City, Negros Occidental.

Samantala, caught in the act din ang anim pang pulis na lantarang nag-iinuman sa isang videoke bar sa Bacolod City na mahigpit na ipinagbabawal sa mga pulis lalo na’t nasa training pa ang mga ito.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang opisyal na pa­patawan ng kaukulang kaparusahan ang mga pulis na tomador, pala-absent at iba pang uri ng iregu­laridad. (Joy Cantos)

AYAW PADISIPLINA

BACOLOD

CAMP MARTIN DELGADO

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

CHIEF SUPT

GLENN SIDAYON

ILOILO CITY

ISAGANI CUEVAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with