^

Bansa

Pinas ‘di mahahati sa Federalism

-

Itinanggi kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Q. Pimentel, Jr. na magkakahati-hati ang Pilipinas sa sandaling maging federal ang sis­tema ng gobyerno.

Ayon kay Pimentel, mas magkakatulungan ang 11 component states habang mararanasan na­man nila ang full auto­nomy sa paggamit ng ka­nilang sariling resources.

Naniniwala si Pimen­ tel na mas magiging madali ang pag-unlad ng 11 component states katulad nang nangyayari sa ibang bansa na federal ang sistema ng gobyerno.

“The possible balka­nization of the Philippines is the usual argument  that is raised against the federalism proposal. But as far as we know,  there is no country which has federalized voluntarily that has broken  up. On the contrary, they have made a quantum leap in terms of economic  development,” ani Pimentel.

Ayon pa kay Pimen­tel, ang overcentra­li­zation ng kapangyarihan ng gob­yer­no sa isang unitary system katulad nang na­raranasan nga­yon ng Pilipinas ang nagiging dahilan pa para magka­watak-watak ang bansa.

Inihalimbawa nito ang problema ng Mindanao na naiisantabi dahil mas napagtutuunan ng pan­sin ng gobyerno ang mga probinsiyang nasa Lu­zon.

Nakapaloob sa Resolution 10 sa Senado na 80 porsiyento ng buwis ay paghahati-hatian ng mga federal states sa­manta­lang ang 20 por­siyento ay mapupunta sa Central (federal) government.

Plano ring magbuo ng isang multibillion peso  equalization fund na gagamitin sa pagtulong sa mga hindi maunlad na federal states.

Ayon pa kay Pimen­tel, umabot na sa 16 na senador ang sumusu­porta sa Resolution 10 na naglalayong amiyen­da­han ang Konstitusyon at mas marami pang sena­dor ang nagnanais na lumagda sa resolus­yon. (Malou Escudero)

AYON

MALOU ESCUDERO

PILIPINAS

PIMEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with