^

Bansa

Walang rice shortage – GMA

-

Iginiit kahapon ni Pa­ngulong Arroyo na hindi dapat maalarma ang pub­liko sa mga bali-balitang may shortage ng bigas dahil bukod sa may sari­ling imbak na bigas ang bansa mula sa local farmers ay mayroon pa ring mga isinagawang rice importation deals sa Thailand at Vietnam upang ma­punan ang may 10 por­siyentong shortfall sa domestic rice supply. 

Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw matapos lumitaw sa isang ulat na umatras na ang Thailand sa gagawing bidding ng National Food Authority (NFA)sa May 5 para sa supply at delivery ng aangkating 675,000 tons ng bigas. 

Umatras ang Thailand matapos makipag­ka­sun­do ito sa ilang bansa na bumuo sila ng rice cartel tulad ng Oil Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Ang Pilipinas ang isa sa may 36 na bansa na sinasabi ng United Na­tion’s Food at Agriculture Organization na nakaka­ranas ng krisis sa bigas.

Tiniyak din ni Agriculture Sec. Arthur Yap na ang pamahalaan ay may sapat na suplay ng bigas sa kasalukuyan upang mapunan ang malaking pangangailangan sa butil, pero patuloy pa rin ang pagbili ng dagdag na suplay para may magaga­mit sa panahon na higit itong kailangan laluna kung may kala­midad.

Samantala, sinak­si­han kahapon ni Pangu­long Arroyo ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng International Rice Research Institute (IRRI) at Department of Agriculture ka­ugnay sa 5-year agreement para sa rice production. 

Sinabi ni Yap, tiwala ang pamahalaan na maibabalik nito sa loob ng limang taon ang dating kalagayan kung saan ay exporter ng bigas ang Pilipinas. 

Sa pamamagitan ng 5-year agreement sa rice production sa pa­ gitan ng IRRI at DA ay hindi ma­layong maka­bawi ang Pilipinas at makabalik sa pag-supply ng bigas sa ibang bansa, sabi ni Yap. 

Aniya, inaasahan ng pamahalaan na magi­ging self-sufficient muli ang Pilipinas sa rice production at makabalik bilang rice exporter sa 2010. 

Sinuri naman ni Pa­ngulong Arroyo kasama ang mga opisyal ng DA at IRRI ang iba’t ibang breed ng palay kahit sumuong ito sa alikabok, init ng araw at putik sa bukirin. (Rudy Andal/Angie dela Cruz)

AGRICULTURE ORGANIZATION

PILIPINAS

RICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with