2 Pinoy todas sa Qatar blast

Dalawang Pinoy bomb technicians ang nasawi matapos uma­nong masa­bugan ng paputok sa bansang Qatar nitong Martes.

Sa report na tinang­gap kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kinilala ang mga biktima na sina Eldrin Berina at Ramon Es­piritu, pawang ng Tondo, Manila.

Kasalukuyan uma­nong nagsasagawa ng inspeksyon ang dalawa bilang mga bomb technicians ng Bomb Division Disposal ng Qatari Interior Ministry ng mangyari ang insidente.

Nasunog ang mga mukha at katawan ng mga biktima na naging dahilan ng kanilang kamatayan.  

Nagawa pa ang mga itong maisugod sa Hamad Medical Center doon subali’t binawian rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Kahapon ay naiuwi na rin sa bansa ang bangkay ng dalawang Pinoy.

Show comments