Mag-iimbestiga ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga cosmetic clinic at surgeon hinggil sa umano’y palpak na operasyon sa mga pasyenteng tumangkilik sa kanila.
Ipatatawag ng House Committee on Health ang mga kilalang personalidad na may-ari ng mga cosmetic clinic para bigyan linaw ang mga balitang nagkaroon ng kapalpakan sa kanilang ginawang pag-oopera sa ilang pasyente nila.
Ayon sa ulat, ipatatawag sa Kamara ang mga sikat na personalidad tulad nina Drs. Manny at Pie Calayan at Vicki Belo at iba pang may-ari ng ganitong klaseng klinika.
Napag-alaman na iimbitahan ng Kongreso si Louem Martinez, na sinasabing naging biktima ng hindi magandang operasyon kaugnay sa penis enlargement na ipinagawa nito.
Ayon sa ilang kongresista, dapat bigyan katarungan ang mga sinasabing naging biktima ng umano’y kapalpakan. (Butch Quejada)