Tinagubilinan kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo angn Department of Public Works and Highways na tiyakin ang pag-unlad ng Isabela kapag nagawa na ang Cansan-Bagutari Overflow Bridge na nag-uugnay sa mga bayan ng Cabagan at Sto. Tomas.
“Gusto kong matapos na ito ng DPWH sa Mayo ng taong ito,” sabi ng Pangulo.
Itinatayo ang tulay sa pagitan ng Barangay Cansan ng Cabagan at Barangay Bagutari ng Sto. Tomas.
Tumatawid ito sa Cagayan River at makakatulong sa mga magsasaka para madala ang kanilang mga produkto sa mga pamilihan.
Inutos din ni DPWH Secretary Hermogenes Ebdane ang pagpapabilis sa paggawa ng tulay.