^

Bansa

Amnesty sa rebelde lusot na sa House

-

Inaprubahan ng House Committee on Justice ang isang resolusyon na naki­kiisa sa Proclamation 1377 na ginawa ni Pangulong Arroyo para bigyan ng amnestiya ang mga rebel­deng komunista.

Ang House Resolution 9 na ini-akda nina dating House Speaker Jose de Venecia, House Minority Leader Ronaldo Zamora at House Majority Leader Arthur Defensor ay pag-uusapan sa plenaryo para aprobahan ito bago dalhin sa Senado para sang-ayunan.

Ayon kay Rep. Matias Defensor, inaprubahan nila ang resolusyon dahil ito ay hinihintay na sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) dahil matagal na itong nakabinbin.

Ang pagbibigay ng am­nestiya sa mga rebeldeng komunista ay isang pra­yoridad sa ginawang pulong sa LEDAC. Ang nasabing proclamasyon ay inisyu ni Arroyo­ noon pang isang taon.

Ang resolusyon ay na­aprobahan kahit na ayaw nina Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casino, at Tawi-Tawi Rep. Nur Jaafar dahil pi­nag­du­dudahan nila ang gob­yerno sa pagbibigay ng amnes­tiya sa mga rebel­deng ko­munista na walang kahihi­natnan. (Buth M. Quejada)

ANG HOUSE RESOLUTION

BAYAN MUNA REPS

BUTH M

HOUSE COMMITTEE

HOUSE MAJORITY LEADER ARTHUR DEFENSOR

HOUSE MINORITY LEADER RONALDO ZAMORA

HOUSE SPEAKER JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with