^

Bansa

Sibakan sa Cabinet!

- Nina Rudy Andal at Gemma Amargo-Garcia -

Kinumpirma kahapon ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo na mag­kakaroon ng revamp sa kanyang Gabinete sa su­sunod na buwan bagamat hindi tinukoy ang mga opisyal na aalisin at ang mga ipapalit sa kanila.

“Yes there will be a cabinet revamp,” wika ni Mrs. Arroyo sa kanyang media-interaction sa Ma­la­cañang reporters sa Cebu kamakalawa ng gabi.

Ayaw namang magbi­gay ng anumang detalye ng Pangulo kaugnay sa mangyayaring balasahan, gayunman, ayon sa mga mapapanaligang source sa Palasyo, malamang mabigyan ng pwesto ang tatlong natalong senatorial bets ng administras­yon tulad nina Tessie Aquino-Oreta, Tito Sotto at Mike Defensor.

Dahil nakatada ng magretiro si AFP Chief Gen. Hermogenes Espe­ron, hinuhulaang ipupu­westo siya sa Defense Department kapalit ni Gilbert Teodoro na ipupu­westo bilang Secretary of justice habang si DOJ Secretary Raul Gonzalez ay posibleng bigyan ng ibang posisyon o hayaang makapagpahinga sa government service.

Samantala, sinabi rin ng source na si DILG Sec. Ronaldo Puno ay mala­mang italagang Executive Secretary kapalit ni Eduar­ do Ermita na gagawing Ambassador sa Washington, pero may balita rin na si dating Congressman Prospero Pichay ang ma­giging Executive Secretary. 

Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na ang ano mang haka-haka sa nga­yon ay pawang espeku­lasyon bagamat tinyak na sa papasok na buwan ga­gawin ang pagbalasa.

Kaugnay nito, handa umano si Secretary Gon­zalez na mapalitan at mailipat sa ibang puwesto sakaling matuloy ang isasagawang cabinet revamp.

Nilinaw din nito na hindi siya personal na kinunsulta ng Pangulo ukol dito subalit mayroon umanong balita na ang pagreretiro ni Gen. Espe­ron ang nagbunsod sa Pangulo upang magka­roon ng Cabinet revamp.

CHIEF GEN

CONGRESSMAN PROSPERO PICHAY

DEFENSE DEPARTMENT

EXECUTIVE SECRETARY

GILBERT TEODORO

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with