Umabot na sa 16 na senador ang sumusuporta sa panukala na baguhin na ang porma ng gobyerno at gawin itong federal form matapos madagdagan kahapon ang bilang ng mga senador na nagsusulong nito.
Umabot na kahapon sa 16 o mayorya ng mga senador ang sumusuporta sa Senate Joint Resolution No. 10 matapos lumagda sa resolusyon sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Lito Lapid, Loren Legarda, at Benigno “Noynoy” Aquino III.
Nauna nang lumagda sa resolusyon sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., Sens. Edgardo Angara, Rodolfo Biazon, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Ramon Revilla Jr., at Senate President Manuel Villar.
Nakasaad sa Senate Joint Resolution No.10 ang panawagan na i-convene ang Kongreso sa isang Constituent Assembly upang ami yendahan ang Konstitusyon para sa pagtatayo ng isang Federal System na gobyerno. (Malou Escudero)