^

Bansa

Barias ’di pa out sa race sa PNP Chief

-

Pinabulaanan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon Jr. na talsik na sa listahan ng mga contenders na papalit  sa kaniya sa puwesto si NCRPO Chief Director Geary Barias, ito’y sa gitna na rin ng diumano’y maagang pagla-lobby ng mga conten­ders sa PNP Chief sa Palasyo ng Malacañang.

Nilinaw ni Razon na walang katotohanan at pa-wang mga espekulasyon lamang na tinanggal na ng liderato ng PNP sa listahan ng mga nominee ang pa­ngalan ni Barias para maging successor niya.

Si Razon ay nakatakdang magretiro sa darating  na Setyembre 27 na kanyang ika -56 taong kaarawan na mandatory age retirement. 

Alinsunod sa “law and rules of succession,” sinabi ni Razon na maaaring makapamili si Pangulong Arroyo ng susunod na PNP Chief sa hanay ng mga opisyal na may ranggong mula Chief Superintendent, Director at Deputy Director General.

Kabilang naman sa malakas na contenders sa puwesto sina Deputy Director Generals Jesus Ver­ zosa, PNP Deputy Chief for Administration, Em­manuel Carta, Chief ng PNP Directorial Staff  at Isma­el Rafanan, Chief ng PNP Community Relations.

Nilinaw naman ni Razon na handa na siyang mag­retiro at walang planong humirit pa ng ekstensyon dahil hindi ito makakabuti sa organisasyon ng PNP kung saan marami namang mga opisyal ang kuwali­pikado at naghi­hintay na pumalit sa kaniya sa pu-westo. (Joy Cantos)  

vuukle comment

CHIEF

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

CHIEF SUPERINTENDENT

COMMUNITY RELATIONS

DEPUTY CHIEF

PNP

RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with