^

Bansa

Palasyo ‘utak’ ng libel vs Cruz

-

Naniniwala si Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na ang Mala­cañang ang nasa likod ng pagsa­ sampa ng kasong libelo laban sa kanya ng Philippine Amusement Gaming Corp. (PAGCOR) sa Manila Regional Trial Court.

Ayon kay Cruz, ang Malacañang lamang ang may kakayahan na kasu­han siya  kasama ang kaal­yado nitong PAGCOR at ang Department of Justice.

Sinabi ni Cruz na una nang ibinasura ng piskalya ng Maynila ang kaso subalit muli itong nag­sampa ng motion for reconsideration sa DOJ hang­gang sa aprubahan ng Manila­ Prosecutors.

Ang naturang kaso ay inihain laban kay Cruz ng mga empleyado ng Pag­cor. Nag-ugat ang kasong libelo sa Obispo, na kilala sa pagiging bokal na kritiko ng administrasyong Arroyo, matapos na umano’y lumabas ang artikulo sa ilang pahayagan kung saan sinabi umano ng Obispo na ang mga complainant ay umakto bilang mga “GRO” nang mag-entertain ng mga bisita ni Unang Ginoo Mike Arroyo na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa Ma­lacañang Park noong Hunyo 26, 2004.

Sinabi naman ni Cruz na hindi  niya kinakalaban ang mga kababaihan kundi ang sistemang pinaiiral at ang pagtrato ng Pagcor sa mga ito. (Doris Franche)

 

vuukle comment

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIS FRANCHE

LINGAYEN DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPINE AMUSEMENT GAMING CORP

SHY

SINABI

UNANG GINOO MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with