Hindi kami nanghaharang - PNP

Inihayag ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., na mata­gal nang hindi nang­ haha­rang ang mga ope­ratiba ng Philippine National Police (PNP) ng mga truck ng bigas at mga biyahero ng pagkain sa mga inilatag na checkpoint.

Sinabi ni Razon na um­pisa pa lamang ng pakiki­pagpulong ng PNP sa mga vegetable dealers at iba pang mga negosyante ng nagbibiyahe ng mga pag­kain ay ipinagbawal na nila ang panghaharang ng mga pulis sa checkpoint kaug­nay ng pinalakas na kam­panya laban sa mga binan­sagang “kotong cops.”

Gayunman, sinabi ni Razon na batay sa inilabas na direktiba ni Pangulong Arroyo, muli niyang papa­alalahanan ang mga tauhan nito na hindi dapat iantala ang biyahe ng bigas palu­was ng Metro Manil upang mapabilis ang serbisyo sa mamamayan. 

Nangako rin ang PNP Chief na ipagpapatuloy ang maigting na kam­ panya kontra sa pango­ngotong sa mga biyahero upang hindi madagdagan ang gastusin ng mga negosyante at hindi ito makadagdag sa ipina­pataw nilang presyo ng kanilang mga produkto.

Magugunita na dumu­log kay Razon ang mga biyahero ng pagkain dahi­lan umano sa nararana­sang talamak na pango­ngotong sa mga checkpoint kaya halos wala na silang kinikita sa kanilang mga negosyo.

Muli namang binalaan ni Razon ang mga pulis na mahaharap sa kaukulang kaparusahan ng batas ka­pag nangotong sa mga bi­yahero ng bigas at iba pang produkto.  (Joy Cantos)

Show comments