Walang nagawa ang tatlong kinatawan ng party-list sa Kamara na tumutol para huwag ng pahabain ang Comprehinsive Land Reform Program (CARP) ng limang taon matapos silang matalo sa ginawang botohan sa House Committee on Agrarian Refrom, kahapon.
Sa botong 16-3, natalo sina Gabriela Party-list Liza Maza, Bayan Muna Reps. Satur Ocampo at Teddy Casino para huwag palawigin ang nasabing programa na mapapaso na ngayong 2008. Gayunman, sinabi ng tatlo, hindi nila ito kinokontra pero anila papabor lamang daw sa mga landlord ang pagpapahaba ng CARP.
Kinontra din ito ni Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rizza Hontiveros sa pagsabing mukhang regalo ng Kamara sa Unang Ginoo at mga kamag-anak ni Pangulong Arroyo ang pagpapahaba sa usapin ng CARP dahil sa mga ari-arian nito na hindi naman daw naibigay sa magbubukid. (Butch Quejada)