Umento sa sahod bilisan! – GMA

Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo si Labor Secretary Marianito Ro­que na madaliin ang gi­naga­ wang pag-aaral ng lahat ng regional wage board sa bansa upang maibigay na ang dagdag na suweldo sa mga mang­gagawa sa pri­ba­dong sektor. 

Sinabi ni Pangulong Arroyo, dapat ay doblehin ng mga regional wage board ang kanilang pag­pupulong upang mabilis na made­sisyunan ng mga ito ang karapat-dapat na dagdag suweldo sa mga mangga­gawa. 

Wika pa ng Pangulo kay Sec. Roque, kung kinakaila­ngang pumasok ang mga miyembro nito sa Labor Day (May 1) upang mabilis nilang ma­desisyunan ang hinihi­nging wage increase ng mga manggagawa ay da­pat gawin nila. 

Magugunita na kama­kailan ay hinikayat din ni Mrs. Arroyo ang mga big companies na magkaloob din ng mga nonwage benefits sa kanilang mga empleyado lalo na ang mga kumpanyang kumikita. 

Sinabi ni PGMA, patu­loy na tumataas ang pres­yo ng mga pangu­nahing bilihin kaya lub­hang ka­ilangan ng mga mang­gagawa ang karag­dagang suweldo.

Show comments